TINANGGAP ng Pilipinas ang pagkilala sa coronavirus disease 2019 (Covid-19) vaccination certificates mula sa walo pang bansa.
Ayon kay Cabinet Secretary at Acting presidential spokesman Karlo Nograles, inaprubahan ng Inter-Agency Task Force (IATF) noong Linggo ang pagkilala sa national Covid-19 vaccination certificates ng Egypt, Maldives, Palau, Albania, Estonia, Greece, Malta, at Uruguay “for purposes of arrival quarantine protocols, as well as for interzonal/intrazonal movement.”
Ani Nograles, ang nabanggit na vaccination certificates ay karagdagan mula sa iba pang bansa,teritoryo at huridiksiyon bilang katibayan ng vaccination at iba pamito sa ibaprubahan ng IATF para sa mga inbound travelers.
Inatasan rin ang Bureau of Quarantine, DepartmentTransportation-One-Stop-Shop, at Bureau of Immigration na kilslsnin ang proofs of vaccination na inaprubahan ng IATF.
Una nang sinabi ng IATF na kikilalanin ng Pilipinad ang vaccination certificates muka Argentina, Brunei Darussalam, Cambodia, Chile, Denmark, Ecuador, Indonesia, Myanmar, Papua New Guinea, Peru, Portugal, at Spain.
Gayundin, ang vaccination certificates muka Azerbaijan, Macau SAR, Syria, Malaysia, Ireland, Brazil, Israel, South Korea, Timor Leste, Slovenia, Bahrain, Qatar, Switzerland, at Hong Kong ay kikilalanin rin.