Vatican, inanunsiyo ang pagtalaga kay Kalookan Bishop Pablo Virgilio David bilang bagong Cardinal ng Simbahang Katolika

By: Carl Angelo

INANUNSIYO ng Vatican City na itinalaga ni Pope Francis si Kalookan Bishop Pablo Virgilio David bilang isa sa mga bagong cardinal ng Simbahang Katolika.

Napag-alamanna nasa 21 ang mga bagong cardinal na itinalaga ng Santo Papa.


Bukod kay David, na siya ring pangulo ng maimpluwensiyang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), kabilang sa mga bagong Cardinal ng Catholic Church ay sina Msgr. Angelo Acerbi, Apostolic Nuncio; Mgr. Carlos Gustavo Castillo Mattasoglio, Archbishop of Lima (Peru); Msgr. Vicente Bokalic Iglic, C.M., Archbishop ng Santiago del Estero (Primado de la Argentina); Msgr. Luis Gerardo Cabrera Herrera, O.F.M., Archbishop ng Guayaquil (Ecuador); Msgr. Fernando Natalio Chomali Garib, Archbishop ng Santiago de Chile (Chile); Archbishop Tarcisio Isao Kikuchi, S.V.D., Archbishop ng Tokyo (Japan).

Gayundin sina Msgr. Ladislav Nemet, S.V.D., Archbishop ng Beograd -Smederevo, (Serbia); Msgr. Jaime Spengler, O.F.M., Archbishop ng Porto Alegre (Brasil); Mgr Ignace Bessi Dogbo, Archbishop ng Abidjan (Ivory Coast); Mgr. Jean-Paul VESCO, O.P., Archbishop ng Alger (Algeria); H.E. Mgr. Paskalis Bruno Syukur, O.F.M., Bishop ng Bogor (Indonesia); Msgr. Dominique Joseph Mathieu, O.F.M. Conv., Archbishop ng Tehran Ispahan (Iran); Msgr. Roberto Repole, Archbishop ng Turin (Italy); Msgr. Baldassare Reina, Auxiliary Bishop ng Rome at kasalukuyang Vicar General para sa Diocese of Rome;

Msgr. Francis LEO, Archbishop ng Toronto (Canada); Msgr. Rolandas Makrickas, Archpriest Coadjutor Papal Basilica ng St. Mary Major; Mgr Mykola Bychok, C.S.R., Bishop ng Eparchy Saints Peter and Paul ng Melbourne of the Ukrainians; R.P. Timothy Peter Joseph Radcliffe, , OP, theologian; R.P. Fabio Baggio, C.S., Under Secretary Migrants and Refugees Section ng Dicastery for the Service of Integral Human Development at Mgr George Jacob Koovakad, Official of the Secretary of State, Responsible for Travel.


Ayon sa Santo Papa, tatanggapin ng mga bagong Cardinal ang kanilang ‘red hat’ sa isang Vatican ceremony na tinatawag na ‘consistory’, sa Disyembre 8, sa Solemnity ng Immaculate Conception.

Si David, 65, ay ika-10 paring Pinoy na naitalagang Cardinal. Siya ay tubong Betis, Pampanga at naordinahan bilang pari sa Archdiocese of San Fernando noong 1983.


Kasalukuyan siyang nasa Roma at pinangungunahan ang CBCP delegation sa second session ng Synod of Bishops on Synodality, na magtatagal hanggang sa Oktubre 27.

Liban kay David, kabilang pa sa mga buhay na cardinal ng Pilipinas ay sina Manila Cardinal Jose Advincula at Cardinal Luis Antonio Tagle, na nagsisilbi ngayon sa Vatican, na kapwa aktibo pa sa serbisyo; at sina Gaudencio Rosales, archbishop emeritus ng Manila, at Orlando Quevedo, archbishop emeritus ng Cotabato, na dahil kapwa lampas na sa edad na 80-taong gulang, ay hindi na maaaring lumahok sa mga cardinal na maaaring pumili ng bagong Santo Papa.


Tags: Kalookan Bishop Pablo Virgilio David

You May Also Like

Most Read