Latest News

Vape shop, nilimas ng mga nagpanggap na NBI agents

By: Baby Cuevas

Nilimas ng anim katao na kinabibilangan ng isang babae at pawang nagpanggap na mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) ang laman ng isang Vape o E cigarettes shop sa Maynila.

Matapos pasukin at kumpiskahin ang may P1.9 milyon halaga ng vape e-cigarette products kamakalawa ng umaga ay nagreklamo sa pulisya ang mga may-ari ng biniktimang Vape Shop Store na matatagpuan sa ikalawang palapag ng located at Harmonic Seven Building, 2543 Tejeron St., Brgy. 782, Sta. Ana, Maynila.

Ayon sa reklamong iniharap sa tanggapan ng Manila Police District -Police Station 6, sinabi nina Andrea Christine Velasquez y De Jesus at Paul Gary Garcia, pawang may-ari ng Vape Shop, nangyari umano ang insidente,alas -11 ng umaga nang pumasok ang anim na suspek.

Inilarawan ang babae na nasa edad 25-30,nakasuot ng itim na polo na long sleeve at nakasakay sa isang kulay itim na Toyota Innova na may plakang NEI 1156 sa likuran at NBP 5105 naman sa harapan.

Nang nasa loob na ng establisimiyento,bumunot ng baril ang mga suspek at sinabihan ang store attendant ng “Let’s Vape Pare” at sila umano ay mga ahente ng NBI at kukumpiskahin ang mga vape products ng tindahan.

Umabot sa P1,844,730.00,ang halaga ng vape products na kinuha ng mga suspek at isinakay sa Innova.

Napag-aalaman na maging si Garcia ay isinama ng mga suspek pero pagdating sa may Balintawak, Quezon City ay pinababa ito.

Samantala ay patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng Dagonoy Police Community Precint sa posibilidad na makilala pa ang mga suspek.

Tags:

You May Also Like

Most Read