Latest News

Vaccines, imu-monitor

Tiniyak ng Department of Health (DOH) na masusing imu-monitor ang mga vaccines na pumapasok sa bansa.

Gayundin, ang pagpapatupad ng accountability at transparency sa pagbili ng vaccines.

Ang pahayag ay ginawa ni Health Officer-In-Charge (OIC) Maria Rosario Singh-Vergeire, sa inisyal na public hearing ginawa ng Senate Committee on Accountability of Public Officers and Investigation .

Iginiit ni Vergeire na gagawin nila ang lahat para matiyak na konti lamang ang masasayang na vac\cine sa mga binili ng gobyerno.

Bilang bahagi ng diskusyon, sinabi ng DOH na ang pagbili ng COVID-19 vaccines ay malawak at kinakailangan ng eksperto sa pakikipag-negosasyon at ebalwasyon.

Nilinaw pa ng DOH na nakahanda silang magbigay ng kinakailangan na impormasyon sa pagbili ng vaccines sa Kongreso at sa Commission on Audit (COA) dahil sa Non-Disclosure Agreements (NDAs).

Kaugnay nito,sinabi ng DOH na mula sa kabuuang vaccines na nabili ng national government mula sa general appropriations at loans mula sa World Bank at Asian Development Bank (ADB), tanging 2.02% (2.7M ng 134M) ang nag-expire.

Ito umano ay mas mababa sa 25% na itinakda ng GAVI Alliance na masira.

Sa kabila na malawak ang nangyaring pagkasira ng vaccines, patuloy umano ang DOH sa implementasyon ng mga stratehiya para lumiit ang bilang ng mga nasasayang na vaccines. (Anthony Quindoy)

Tags:

You May Also Like

Most Read