Latest News

Utak sa pagkawala ng mga sabungero, kilala na

Tukoy na ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ,ang “utak” sa likod ng pagkawala ng mga sabungero.

Sinabi ni Brig. Gen. Romeo Caramat , Jr.,hepe ng PNP -CIDG sa panayam sa Department of Justice (DOJ) ,ibinulgar nito na mayroon na silang lead sa suspek na nasa likod nang pagkawala ng mga sabungero.


Ayon kay Caramat, meron na silang ideya pero gusto nilang makasiguro na hawak na nilang lahat ang ebidensiya bago tukuyin ang mastermind upang hindi masayang ang kanilang kaso.

Si Caramat ay kasama ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla at iba pang awtoridad na nakipagkita sa pamilya ng mga nawawalang sabungero nitong Lunes ng umaga.

Sinabi ni Caramat na naka-focus na sa pag-aresto sa mga suspek ang susunod nilang hakbang .


Tiniyak naman ni Remulla sa pamilya ng nawawalang sabungero na gagawin lahat ng gobyerno ang paraan para maresolba ang kaso. (Anthony Quindoy)


Tags: Philippine National Police -Criminal Investigation and Detection Group (PNP -CIDG)

You May Also Like