UST, UP, nanguna sa September 2023 LEPT

By: Baby Cuevas

Nanguna sa idinaos na Licensure Examination for Professional Teachers (LEPT) na ibinigay noong Setyembre 24,2023, ang dalawang graduates ng University of Sto. Tomas (UST).

Ayon sa Professional Regulation Commission (PRC), may 23,782 elementary teachers at 53,995 secondary teachers ang pumasa sa LEPT


Nanguna sina Dulce Angeline Hernandez Arellano at Chelsea Lipana Tiaga, kapwa taga- UST na nakakuha ng 94.40% sa elementary level.

Si Joshua Custodio Marimuthu ng Laguna University ang nakakuha ng ikalawang puwesto na may gradong 94.20%,habang si Marichu Famat Abregana (Cebu Technological University), Alma Manlangit Brioso (Bicol University) at Theresa Marie Enarle Cena (Silliman University),ang nag-tie sa ikatlong puwesto na may gradong 94%.

Samantala sa second level ay nanguna si Trilbe Lizann Espina Vasquez ng University of the Philippines Cebu na. may pinakamataas na grado na 94.80 % na sinundan ni Jaynel Evangelista Barzo ng University of Southern Mindanao, na.may rating na 94.40%.


Si Matthew Kyle Yee Oronce ng UP Diliman ang pumangatlo na may gradong 94.20%.

Nabatid na ang UST at Cebu Technological University ang top performing schools sa elementary na may 100 percent passing rate.


Ang UST ay top performing school rin sa secondary level na may 98.56 percent passing rate.


Tags: Licensure Examination for Professional Teachers (LEPT)

You May Also Like