Latest News

US–RP KAMANDAG WAR EXERCISES NAGSIMULA NA, NMESIS GAGAMITIN

By: Victor Baldemor Ruiz

OPISYAL nang sinimulan kahapon ng United States Marine at Philippine Marines ang bilateral military exercise Kaagapay ng mga Mandirigma ng Dagat (Kamandag).

Inihayag ni Philippine Marine Corps (PMC) commandant Major General Arturo Roxas ang opisyal na pagbubukas ng PMC at US Marine Corps (USMC), ang taunang bilateral military exercises ng dalawang pwersa, na sasaksihan at sasalihan din ng iba pang mga kaalyadong bansa.


Ayon kay PMC commandant Major General Arturo Rojas, ito ang maituturing na pinakamalaking bilang ng mga sundalong Marines na sasabak sa Kamandag.

Umaabot sa 4,252 sundalo ang sasali sa Kamandag 2025, kabilang ang 2,028 Philippine Marines at 2,031 mula sa USMC. Sasali rin ang Japan, South Korea at United Kingdom sa gaganaping war exercises .

Nasa 80 personnel ang mula Republic of Korea Marine Corps; 107 mula sa Japan Ground Self-Defense Force; anim naman mula sa British Armed Forces habang ang France, the Netherlands, Bahrain, Australia, Thailand, Canada, Germany, New Zealand at Indonesia ay magpapadala ng kanilang mga international observers.


“We have more participants compared to last year,”ani Rojas.

Layunin ng taunang Kamandag war games ang pagpapalakas ng interoperability sa pagitan ng dalawang bansa at tuloy- tuloy na collaborative efforts hinggil sa regional peace and security para sa isang free and open Indo-Pacific.


Tatagal ang pagsasanay hanggang June 6 at gaganapin ito sa ilang areas sa Northern Luzon, Central Luzon, Batanes, Palawan at Tawi-Tawi.

Nakapaloob sa nakalatag na mga pagsasanay ang command and control exercises, MKTSO, maritime strike, counter-landing or defensive retrograde operations, coastal defense, live fire integration, humanitarian assistance and disaster response (HADR) at iba pang subject matter expert exchanges (SMEEs).


Inaabangan at pinaniniwalaang magiging tampok sa gaganaping war exercises ang paggamit ng US anti-ship missile na NMESIS.

“The planning has been in place for quite a while now. There’s a scenario-driven exercise where we will conduct operations with the NMESIS, which is a great capability. Ani Col. Jason Armas, pinuno ng US’ Marine Rotational Force-Darwin 25.3.

Kinumpirma ni PMC commandant Major General Arturo Rojas na kung magkakaroon ng pagkakataon ay gagamitin nila sa pagsasanay ang NMESIS sa kanilang live fire exercises sa Northern Luzon .



“We will be using the NMESIS also to be able to learn and sustain what we did in the past Balikatans. The event (live fire), which is included in Kamandag, will be conducted also,” ani Rojas.

Tags: “Kaagapay Ng Mga Mandirigma ng Dagat” (KAMANDAG)

You May Also Like