KASALUKUYANG nasa dagat sakop ng Pilipinas ang isang nuclear powered aircraft carrier ng United States at dalawang amphibious ready groups at nagsasagawa ng flight operation sa gitna ng umiiral na angkinan ng teritoryong saklaw ng South China Sea (West Philippine Sea) ilang bansa kabilang na ang China , Pilipinas, Japan Taiwan at Vietnam.
Sa gitna ng sigalot sa West Philippine Sea, patuloy na nagsasagawa ng joint at combined exercises sa dagat ang U.S. Navy carrier strike group At dalawang amphibious ready groups kasama ang Japan Maritime Self-Defense Force, ayon sa inilabas na ulat ng USNI (US Naval Institute)
Sinasabing nagsimula ang Exercise Noble Fusion noong Huwebes sa Philippine Sea malapit sa bahagi ng Luzon kasama ang JMSDF at mga elemento ng U.S. Marine Corps at U.S. Air Force, ang 3rd Marine Expeditionary Brigade ayon pa sa kanilang news release.
Nitong nakalipas na lingo ay binigyan ng pagkakataon ng US Navy ang ilang kasapi ng media na masilip ang nagaganap na operasyon ng aircraft carrier na USS Abraham Lincoln, na dumayo malapit sa Maynila.
Ang barko ay ang flagship ng Carrier Strike Group 3 ng US Navy at lumayag mula US noong Enero papuntang Asya.
Unang nakilala ang USS Abraham Lincoln ng mga Filipino nang tumulong sila sa evacuation ng mga sundalong Amerikano kabilang na ang ilang Filipino at kanilang mga dependent para ilikas kasunod ng pagputok ng Mt Pinatubo noong June 1991.
U.S. Carrier Evacuates Dependents : Philippines: Women, children and pets forced out by the volcano are welcomed aboard for the trip to Cebu and flights home, ayon sa sulat.
Ayon sa US Navy, mahalaga ang presensya ng mga barko gaya ng USS Abraham Lincoln sa pagtiyak ng kaayusan sa seguridad ng rehiyon, lalo’t inaangkin ng China, Pilipinas, at iba pang bansa ang mga teritoryo sa dagat.
Nakahanda rin ang barko na tumulong sa humanitarian operation, gaya ng pagresponde sa nasalanta ng kalamidad.
“Our presence and engagement demonstrates our commitment to the region as we continue to protect our collective interests, enhance our security and safeguard our shared values,” ani Rear Admiral Jeffret Anderson.
Sa mahigit 5,000 na tauhan sa barko, hindi bababa sa 16 ang mga Pinoy dito.
Sa Lunes magsisimula na ang Balikatan 2022 exercises ng Pilipinas at US na tinaguriang pinakamalaki sa kasaysayan dahil sa paglahok ng halos 9,000 sundalo ng 2 bansa. (VICTOR BALDEMOR)