Latest News

US, INAKUSAHANG NAGPAPAKALAT NG FAKE NEWS KONTRA CHINA UKOL SA HIDWAAN NG RUSSIA AT UKRAINE

INAKUSAHAN ng China ang United States government ng pagpapakalat ng maling impormasyon hinggil sa nagaganap na hidwaan sa pagitan ng Russia at Ukraine para lamang siraan ang Chinese government.

Ito ay kasunod ng mga naglabasang ulat na inihayag umano ng US officials na humihingi ang Russia ng military equipment at suporta sa China na kanilang pangunahing kaalyado.

Sa impormasyong ibinahagi ng Chinese Embassy in Manila makaraan silang hingan ng panig hinggil sa mga balitang inilabas ng US media ukol l sa umanoy paghingi ng Russia sa China ng military and economic aid para sa kanilang giyera laban sa Ukraine , inihayag ni Zhao Lijian, tagapagsalita ng China Ministry of Foreign Affairs, ang ginagawang pagpapakalat diumano ng US ng mga malisyosong balita.

“ Recently, the US has been maliciously spreading disinformation targeting China. China’s position on the Ukraine issue is consistent and clear. We have been playing a constructive part in promoting peace talks, “ ani Zhao Lijian.

Ayon pa kay Zhao Lijian “ The top priority at the moment is for all parties to exercise restraint, cool the situation down instead of adding fuel to the fire, and work for diplomatic settlement rather than further escalate the situation.”

Maliwanag umano ang posisyon ng China tungkol sa hidwaan: “ Ukraine issue is consistent and clear. China has been making independent judgment and expounding on our position based on the merits of the matter itself and in an objective and just manner.

Aniya, anumang disinformation na ikinakalat at binabalewala ang mga pagsisikap na ginagawa ng China ay paninira at hindi pagpapakita ng tunay na intensyon ng China na sadyang dinisenyo upang ilihis ang problema , maghasik ng kaguluhan upang siyang makinabang sa usapin.

“It is neither responsible nor ethical,” ani Lijiang, at ayon pa sa China Foreign ministry, “Sanctions are never effective means to resolve problems. China opposes all forms of unilateral sanctions and long-arm jurisdiction of the US, and will resolutely defend the legitimate rights and interests of Chinese companies and individuals.”

Kaugnay ito sa report na humiling umano ang Moscow sa Beijing ng economic assistance para mapigilan ang crippling sanctions na ipinataw sa kanila ng Western world, ilang oras matapos na nagbabala umano ang White House sa Beijing na ,maaari itong maharap sa “severe consequences” kung tutulungan nito ang Moscow na makaiwas sa ipinapataw na sanctions.

Binabantayan umano ng US kung hanggang saan ang ibibigay na economic or material support ng Beijing sa Russia, at nilinaw pa umano sa China kung ano ang magiging epekto nito kung tutulong ito. (VICTOR BALDEMOR)

Tags:

You May Also Like

Most Read