NAGKALOOB ng $8 million dollars o kabuuang P450 million ang United States government, sa pamamagitan ng kanilang U.S. Agency for International Development (USAID), bilang karagdagang pondo para mapalakas ang disaster preparedness and response sa mga kritikal na komunidad sa Pilipinas.
Ang bagong pondo ay inilaan para mapahusay pa ang kahandaan sa bagyo at bubuo ng matatag na mga estratehiya sa kabuhayan sa mga rehiyon ng Bicol, CARAGA, at Silangang Visayas.
Popondohan din nito ang pakikipagtulungan sa mga pribadong sektor upang makatulong na matiyak ang pagpapatuloy ng mga negosyo at iba pang kritikal na serbisyo, tulad ng enerhiya at tubig, pagkatapos ng mga kalamidad lalo na sa mga na vulnerable communities sa bansa.
Dagdag pa rito, nakapaloob sa panibagong ayuda ng USAID ang pagtuturo at pagsasanay sa mga tauhan ng Office of Civil Defense sa Department of Information and Communications Technology, Department of Social Welfare and Development at iba pang mga mahalagang government agencies sa pagtatayo ng mga post-disaster logistics, emergency shelters at emergency telecommunications.
Makikipagtulungan din ang USAID sa mga local government units sa Eastern Samar at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao para mag-setup ng referral systems para sa kalagayan ng mga bata at kanilang proteksyon sa panahon ng disasters.
“Strong typhoons came earlier than expected this year, and we’re reminded of how vulnerable many Philippine communities are to the impacts of natural disasters,” ayon sa USAID Philippines Mission Director Ryan Washburn.
“We are proud of our partnership with the Philippine government to help the Filipino people prepare for and respond to disasters,” ani Ryan Washburn
Inihayag naman ng U.S Embassy na ang United States ay isang pangunahing katuwang ng gobyerno ng Pilipinas sa paghahanda para tumugon sa disasters,at maging sa paghahatid ng life-saving humanitarian assistance.
Simula 2010, ang USAID ay nakapagbigay na ng may P17 billion ($372 million) para sa disaster relief and recovery aid at pinapalakas ang disaster risk reduction capacity ng mahigit 100 cities at municipalities sa Pilipinas.
“The United States is a key partner of the Philippine government in preparing for and responding to disasters, as well as delivering life-saving humanitarian assistance. Since 2010, USAID has provided approximately Php17 billion ($372 million) in disaster relief and recovery aid and boosted the disaster risk reduction capacity of over 100 cities and municipalities in the Philippines,” ayon sa embahada ng Amerika.














