US EMBASSY, NAKIKIPAG-UGNAYAN SA PNP SA ‘REPORTED DEATH’ NG AMERICAN VLOGGER

By: Victor Baldemor Ruiz

Wala pang inilalabas na opisyal na pahayag ang U.S Embassy in Manila hinggil sa ulat na patay na si Elliot Eastman, ang dinukot na American vlogger sa Zamboanga del Norte

Ayon kay Kanishka Gangopadhyay, ang tagapagsalita ng Embahada ng Amerika sa Pilipinas, “We are aware of the reports regarding the case of Mr. Eastman. We are coordinating with local authorities.”


“We have no greater priority than the safety and security of U.S. citizens in the Philippines, ani Gangopadhyay.

Pinaniniwalaang patay na ang American vlogger na Elliott Eastman base sa nakalap na statement ng Philippine National Police mula sa ilang testigo at isang nadakip na suspek sa pagdukot.

Tuloy-tuloy naman ang validation at ang ginagawang paghahanap ng PNP at maging ng Armed Forces of the Philippines kay Eastman. Sinasabing hindi pa maituturing na ‘case closed’ ang pagdukot at pagpatay sa American vlogger, hangga’t hindi pa mare-recover ang mga labi nito.


Una nang inamin ng isa sa mga suspek na patay na umano ang dayuhan matapos maubusan ng dugo dahil sa tinamong dalawang tama ng bala ng baril sa kanyang binti at tiyan at kalauna’y inihulog na lamang nila sa karagatan.

Nagtutuloy-tuloy rin aniya ang paghahanap ng PNP at Armed Forces of the Philippines (AFP) sa mga labi ng dayuhan na pinaniniwalaang itinapon sa karagatan sa Zamboanga Sibugay.


Samantala, natunton na ng mga awtoridad ang motorized banca na ginamit noong dinukot Elliot Eastman.

Ayon kay Philippine National Police Public Information Officer (PNP-PIO) Chief Brigadier General Jean Fajardo, pinalitan pa ito ng kulay ng mga suspek para maitago ang krimen.


Si Eastman ay sinasabing nagtamo ng dalawang tama ng bala ng baril sa kanyang katawan bago bawian ng buhay at inihulog sa dagat ng mga suspek.

Sinasabing namatay ang dayuhan noong October 17, 2024 araw, kung kailan siya dinukot ng mga armadong kalalakihan.

Ayon sa ibinahagi ng impormasyon ni Police Lt.Col Ramoncelio Sawan, acting spokesperson ng Police Regional Office IX: “Late October, during our investigation, we encountered one witness who told us na may nakapagsabi sa kanya na noong gabi na inabduct si Elliott Eastman, nabaril po siya at nung pumalaot na ang mga nag-abduct sa kanya, napansin nila na later on, patay na si Eastman. Ang ginawa raw nila ay itinapon nila sa tubig ang katawan ni Eastman.”



Matatandaang hawak na ng Pambansang Pulisya ang tatlong indibidwal na may direktang kinalaman sa pagdukot kay Eastman, habang nasawi naman sa engkwentro noong Nobyembre ang tatlong Persons of Interest (POI) sa kaso, na pawang mga kasapi ng kidnap for ransom group.

Tags: Elliott Eastman

You May Also Like