Latest News

US DEPUTY SECRETARY OF STATE NAKIPAG PULONG KAY PBBM

Personal na binati ni US Deputy Secretary of State Wendy Sherman si President-elect Ferdinand Marcos, Jr. sa kanilang pagpupulong kahapon.

Dumating sa Pilipinas si Sherman mula sa kanyang tour sa ilang bansa sa Asya at agad na nakipagpulong kay Philippine President-Elect Ferdinand Romualdez Marcos Jr., at sa kanyang mga tagapayo, kabilang ang Philippine Ambassador to the United States Jose Manuel Romualdez, incoming Executive Secretary Vic Rodriguez, at Department of Foreign Affairs Under Secretary Theresa Lazaro, sa Maynila, Pilipinas.

Binati ni Deputy Secretary Sherman si President-Elect Marcos sa kanyang pagwawagi sa nakalipas na May 2022 presidential election.

Ayon sa statement mula kay Ned Price, spokesperson ng US State Department, kabilang sa pinag-usapan ng dalawang lider ay ang kahalagahan ng pagpapalakas ng ugnayan at pakikipagtulungan upang palakasin ang ekonomiya ng dalawang bansa, gayundin ang kahalagahan sa public-private partnerships, clean energy at digital economy.

Nagkasundo naman daw ang sina Sherman at Marcos sa kahalagahan ng pagpapalakas ng U.S.-Philippine Alliance lalo na sa usapin ng seguridad upang mapaunlad pa ang Indo-Pacific region at ang mundo at ang kahalagahan ng pagpapaunlad ng paggalang sa karapatang pantao at pamamahala ng batas sa Pilipinas.

Tinalakay din ng dalawa ang pagpapa igting ng ugnayan ng dalawang bansa upang higit pang palalimin ang alyansa at pagkakaibigan.

Samantalahin ang mga bagong oportunidad na maaaring ihatid sa sambayanan sa mga darating na panahon.

“I was pleased to meet and congratulate President-elect Marcos. We discussed strengthening our longstanding alliance, expanding people-to-people ties, deepening our economic relationship, advancing human rights, and preserving a free and open Indo-Pacific,” ani Sherman sa kanyang hiwalay na statement. (VICTOR BALDEMOR)

Tags: , ,

You May Also Like

Most Read