MULING nagtagpo sa ginanap na Shangri-La Dialogue sa Singapore sina US Defense Secretary Pete Hegseth at Philippine Defense Secretary Gilberto Teodoro, Jr.
Sa kanilang pagkikita ay pinag-usapan ang pagpapalakas ng ugnayang pang-depensa para matugunan ang mga nakaambang banta sa rehiyon ng Indo-Pacific.
Kinikilala rin ni Sec. Teodoro ang kahalagahan ng suporta ng US sa Pilipinas at pinuri naman ni Hegseth ang tapang ng bansa laban sa tumitinding banta at mga agresibong hakbang ng China sa South China Sea.
Ipinahayag naman ni Teodoro ang hangaring magkaroon ng matatag at pangmatagalang kapayapaan sa pamamagitan ng matibay na alyansa at pagsunod sa pandaigdigang alituntunin.
Binanggit din nila ang matagumpay na joint BALIKATAN 2025 war exercise, ang pinakamalaki at pinakamalawak na pagsasanay militar ng dalawang bansa na nagpataas ng depensa gamit ang makabagong kagamitan ng US.














