Latest News

US ARMY GENERAL BINISITA ANG MGA SUNDALONG PINOY SA HAWAII

Personal na binisita at kinamusta ni U.S. Army Pacific, Commanding General Gen. Charles Flynn ang mga sundalo ng Philippine Army na kasalukuyang nagsasanay sa Hawaii.

Ayon kay Philippine Army Spokesperson Col. Xerxes Trinidad, ang pagbisita ni Gen. Flyn sa mga tauhan ng 91st Brigade Reconnaissance Company (91BRC) ng 1st Brigade Combat Team ay isang malaking morale booster sa tropa.

Napag alamang nag-sit-in din si Gen. Flynn sa after activity review ng mga tropang Pilipino matapos ang kanilang isinagawang reconnaissance o “recon” exercise sa Oahu East Range sa Hawaii nitong Martes.


Ang recon exercise ng 91BRC kasama ang 5th Security Force Assistance Brigade at 2-14th Cavalry Squadron, 25th Infantry Division ng U.S. Army ay bahagi ng Joint Pacific Multinational Readiness Center (JPMRC) Rotation Exercise 23-01.

Layon ng isang buwang pagsasanay na mahasa ang taktika, teknik, at pamamaraan ng mga magkaalyadong tropa para mapahusay ang kanilang kahandaan at kapabilidad na tumugon sa “real world crisis” at iba pang emerhensiya.

Samantala, Nag courtesy call si Philippine Army Exercise Directorate sa pangunguna nj Col. Emmanuel Cabasan kay Brig. Gen. Jason Brad Nicholson, Commander ng U.S. Army Security Assistance Command, at Brig. Gen. Michael Van Welie, U.S. Army 25th Infantry Division Deputy Commander for Interoperability.

Sa nasabing pulong kanilang tinalakay ang mga gagawing bilateral activities sa hinaharap na magpapalakas sa ugnayan ng dalawang armies.


Nasa 103 Phil. Army personnel ang lumahok sa Joint Pacific Multinational Readiness Center (JPMRC) Rotation 23-01 na ginaganap ngayon sa Hawaii. (VICTOR BALDEMOR RUIZ)

Tags: Commanding General Gen. Charles Flynn, U.S. Army Pacific

You May Also Like

Most Read