Mula Tondo hanggang buong District 2, kilala na si Numero “Uno” Lim bilang isa sa pinakamasipag, matalino, approachable at tunay na public servant ng Maynila.
Ngayong darating na eleksyon, opisyal niyang inanunsiyo ang pagtakbo para sa kanyang ikaanim na termino bilang konsehal — dala ang pangalan na hindi lang tumatak sa serbisyo, kundi pati sa puso ng mamamayan sa Tondo.
Bata pa lang, lider na. Si Uno ang isa sa pinakabatang nahalal na konsehal sa kasaysayan ng Maynila, 26 anyos pa lang noon. Graduate ng Chiang Kai Shek College at may degree sa Chemical Engineering at Chemistry mula Mapua Institute of Technology, nagpatuloy pa siya ng pag-aaral sa GRIPS University Japan, National University – Lee Kuan Yew in Singapore, at Harvard University sa Boston, USA para mas mapalawak ang kanyang kaalaman bilang public servant.
Trabaho, hindi lang salita
Bilang konsehal, si Uno ang nasa likod ng mga batas tulad ng Land-for-the-Landless Program, libreng student health insurance, anti-bullying ordinance, at Manila ID system, karagdagang allowance ng senior citizens — mga proyektong may direktang epekto sa pang-araw-araw ng mga Manileño. Hindi rin matatawaran ang kanyang papel bilang kasalukuyang Chairman ng Transportation at Appropriations Committee, dalawang makapangyarihang komite na may impluwensya sa pag ayos ng daloy ng trapiko at pag apruba ng badyet ng lungsod.
Bilang Chairman ng International Relations, pinalakas niya ang relasyon ng Maynila sa Beijing, Shanghai, Guangzhou, Toronto, Moscow, Seoul, Tokyo, Cartagena, Paris, Bangkok, Kuala Lumpur Jakarta at iba pang global capitals — nagbibigay ng oportunidad sa negosyo, turismo at pag-unlad.
Kinilala siya sa Maynila, Pilipinas at buong Asia habang sa serbisyo publiko, kinilala siya bilang: Most Outstanding Councilor sa Maynila (2 sunod na taon); ?? Top 20 Most Outstanding Councilors sa Pilipinas (2024); Asia’s Most Outstanding Councilor (Asia Pacific Awards, Vietnam); Outstanding Alumni ng Chiang Kai Shek College; Outstanding Young Legislator (Korea, Italy, Brazil, Philippines); No. 1 Reservist ng Philippine Navy at Asian Junior Tennis Champion, ITF Asia No.1 Junior Tennis Player (1992–1996)
Simpleng tao, lider ng masa
Sa kabila ng tagumpay, nanatiling simple at abot-kamay si Uno — mula barangay, simbahan, palengke, hanggang kalye. Alam ng tao, kapag si Uno ang kausap, may aksyon.
Ngayong eleksyon, panawagan ng kanyang mga taga-suporta sa Distrito Dos ng Maynila:“Ituloy ang serbisyo, ituloy ang malasakit!”Boto para kay Numero Lim ay boto para sa tuloy-tuloy na progreso at tunay na malasakit.Numero “Uno” Lim, No. 7 sa balota — konsehal ng masa, inspirasyon ng bawat pamilya!”