By: Jantzen Alvin
Isang ‘unity walk’ ang isinulong kahapon ng iba’t-ibang transport cooperative groups bilang suporta sa Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP).
Ang nasabing aktibidad na ginanap sa kanto ng Legarda at Mendiola Streets sa Maynila ay nilahukan ng nasa 23 transport cooperative groups.
Kabilang na dito ang SPTC- San Pedro Transport Corporation, LDTC-Lingayen Dagupan Transport Corporation,Spark 01 Transport OPC , AMBO, ATC- AIMEJOD Transport Cooperative,ICTSC Indigenous Community Transport Service Cooperative ,Pandacan Transport Service ,AKKAP MO – Angat Kooperatiba Korporasyon Alyansang Pilipino Transport Cooperative ,NOBABLUM TC ,Novaliches,balintawak,Blumentritt Transport Cooperative ,Metro Rizal Marshall , CAMIATRANS , PERJODA ,Pasig Green City Transport and Multipurpose Cooperative ,Pasang Masda ,CURODA TSC at Cubao, Rosario, Sta,Lucia Transport Service Cooperative.
Dakong 9:40 ng umaga nang magsimula ang programa ng grupo, kung saan iginiit ng mga transport leaders sa pangunguna ni Obet Martin ng Pasang Masda, na ibasura ang Senate Resolution no 1096 na nagsusupindi ng PUVMP.
Pasado ala- 1 ng hapon nang i-disperse ng mga transport group ang kanilang hanay at iginiit rin ng grupo na huwag nang magkaroon pa ng extension ang PUVM at sa halip at dapat magkaroon ng budget ngayong 2024 ang PUVMP.
Nasa mahigit 500 drivers umano ang lumahok sa protesta, ayon sa pagtaya ng Manila Police District (MPD).
Kaugnay nito ay sinabi ni Land Transportation and Franchising Regulatory Board (LTFRB) Chairman Teofilo Guadiz na walang magaganap na suspensiyon at tuloy- tuloy lamang ang nasabing programa.














