Latest News

Sina Mayor Honey Lacuna at Vice Mayor Yul Servo habang ineendoso ng Muslim communities sa Maynila na kinabibilangan nina (kanan) Ch. Ibrahim Dimakuta at Ch. Omaiya Shariff. Wala sa larawan si Ch. Aleja Bidua.

UNITED MUSLIM COMMUNITY SA MAYNILA, NAGHAYAG NG SUPORTA SA LACUNA-SERVO TANDEM

By: Jerry S. Tan

MALUGOD na pinasalatan ni Manila Mayor Honey Lacuna ang United Muslim Community (UMC) na binubuo ng iba’t-ibang grupo ng mga Muslim sa Maynila, matapos silang maghayag ng pagsuporta sa tambalan nina Lacuna at Vice Mayor Yul Servo, dahil sa kung paano sila inaalagaan ng kasalukuyang administrasyon.

“Maraming salamat sa mga opisyal at miyembro ng United Muslim Community sa Lungsod ng Maynila sa inyong mainit na suporta at pagtitiwala na ipinahayag ninyo sa akin at sa buong Asenso Manileño,” ani Lacuna.

Dagdag pa ni Lacuna: “Ang inyong suporta ay nagsisilbing inspirasyon at lakas upang lalo pa naming pagbutihin ang aming serbisyo at pagtupad sa aming mga pangako para sa mas maunlad, mas inklusibo, at makatarungang Maynila. Makakaasa po kayo na hindi ko kayo bibiguin. Patuloy po tayong magtutulungan para sa ikabubuti ng lahat.”


Ang pahayag ay ginawa ni Lacuna sa opisyal na pag-endoso sa kanya ng United Muslim Community pati na sa buong partido Asenso Manileno na kinabibilangan ni Congressman Joel Chua bilang kinatawan ng ikatlong distrito ng lungsod, Vice Mayor Yul Servo at third district Councilors Fa Fugoso, Mile Atienza at Atty. Jong Isip at mga kandidatong sina Jeff Lau atj Karen Alibarbar.

Ang pagpapahayag ng suporta ng Muslim community ay ginanap sa Quiapo, kung saan naka-base ang nakararaming Muslim sa Maynila at ito ay dinaluhan ng mga lider ng komunidad, na naghalinhinan sa paghahayag ng suporta kay Lacuna at mga dahilan kung bakit siya ang napili nilang suportahan para sa darating na eleksyon. Ang mga ito ay kinabibilangan nina Chairman Omaiah Shariff, Ch. Aleja Bidua at Ibrahim Dimakuta.


Matatandaan na noong 2022, si Lacuna din ang sinuportahan ng buong Muslim community, gayundin ang kanyang buong tiket, nang ang Manila-based Muslim groups ay nanumpa kay Lacuna sa Manila Muslim Pledge of Loyalty event na ginanap din sa Quiapo.

“Maraming, maraming maraming salamat sa ating mga kapatid na Muslim, sa inyong muling pagtitiwala at makakaasa po kayong lahat na hinding-hindi namin kayo pababayaan at lalong-lalo na, hinding-hindi namin kayo iiwan,” pahayag ng alkalde sa pagsasa-pormal ng pangako ng mga kapatid na Muslim ng buong pagsuporta kina Lacuna at Servo.


Sa pangunguna ni barangay chairman Omaiya Sharief at barangay chairman Sultan Suharto Buleg Al-Hajj, sinabi ng Muslim community leaders na ang mga residente ng Maynila ay nasa mabuting kamay dahil hindi lamang masipag si Lacuna kundi higit sa lahat, ito ay isang doktor na naiintindihan ang pangangailangan ng Manileño pagdating sa pangangalaga sa kalusugan.

“Sa abot ng aming makakaya, kami ay magbibigay ng walang kapantay na suporta… napakaganda ng ginagawang paglilingkod ng ating mayora… mayroon na tayong mayor mayroon pa tayong doktora na bukod sa naglilingkod ay nanggagamot sa mga maysakit nang walang hinihinging kapalit. ‘Yan ang tunay na lingkod ng bayan,” pahayag pa nila.

Tags: Manila Mayor Honey Lacuna

You May Also Like

Most Read