UNANG SIMBANG GABI, ‘GENERALLY PEACEFUL’

By: Victor Baldemor Ruiz

IPINAGMAMALAKI ng Philippine National police ma masasabing ‘generally peaceful’ ang selebrasyon ng unang Simbang Gabi na hudyat ng nalalapit na Kapaskuhan, dahil walang naitalang krimen o untoward incident ang mga awtoridad .

Ito ay sa gitna ng libo- libong tao ang dumalo sa unang Simbang Gabim ayon kay PNP P/BGen. spokesperson Jean Fajardo.

Magugunitang inihayag ng PNP National Capital Region Police Office na mahigit 10,000 pulis ang kanilang ikinakalat kaugnay sa tradisyunal na Simbang gabi bilang paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mananampalataya.


“Ilang oras pa lang bago ang Simbang gabi, naka-deploy na ang mga pulis. Meron ding inilagay na police assistance desk, maliban pa sa mobile at police patrol sa paligid ng simbahan,” ani Fajardo.

“Patuloy ang koordinasyon sa ibang ahensya ng gobyerno para siguraduhin na naka-ready tayo at name-maintain ang proactive stance to make sure secured and safe ang holiday season,” she said.


Tiniyak din ng PNP-NCRPO na tuloy- tuloy ang kanilang pagbibigay seguridad mula sa pagsisimula ng Simbang Gabi hanggang sa bisperas ng Pasko.

Ayon kay NCRPO Chief PBGen. Anthony Aberin, bukod sa mga pulis na ipinakalat sa mga Simbahan ayb may mga pulis din na naka-station sa lahat ng mga transportation hubs.


Pinalalahanan din ni Aberin ang publiko na ma- ingat sa mga snatchers at salisi lalo na sa mga matataong lugar.

Sinabi pa ni Aberin na huhugot sila ng mga dagdag na personnel mula sa District Mobile Force Battalion at Regional Mobile Force Battalion na magsilbing augmentation force.

Tags: Philippine National Police

You May Also Like

Most Read