Kinumpirma ng Department of Health (DOH) ang unang kaso ng monkeypox virus sa bansa.
Ayon kay DOH assistant spokesperson Undersecretary Beverly Ho, ang pasyente ay isang 31-anyos na Pilipino na dumating sa bansa noong Hulyo 10.
Tumanggi naman ang DOH na kilalanin ang pasyente at sabihin maging ang lugar kung saan siya nakatira at ito umano ay naka-recover na sa naturang sakit.
Nabatid na hindi naman nagpakita ng sintomas ang 10 nitong naging close contact.
Ayon sa DOH, kinakailangan umano na sumailalim sa 14 hanggang 22 araw na quarantine ang naging close contact ng.pasyente.
Samantala,sinabi ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles na hindi umano apektado ang buong populasyon sa monkeypox.
” It’s not like COVID that can possibly be fatal. But it is of concern. So his (President Marcos)’ primary concern is to go get the information out,”ayon kay Cruz-Angeles.