Personal na sinalubong nina Foreign Affairs Sec. Eduardo Manalo at Usec.Eduardo De Vega sa NAIA 3 ang unang batch ng Filipino repatriates mula sa Gaza Strip.
Sila ay binubuo ng 34 Filipino nationals at isang Palestino na asawa ng Pinay.
Muli namang nagpasalamat ang Israel at Egypt sa special consideration na ibinigay sa mga Pilipinong tumawid mula Gaza.
Kinumpirma naman ni Usec. De Vega na nakatawid na sa Egypt ang 42 mga Pinoy mula Gaza.
Mula Egypt, sila ay uuwi sila sa Pilipinas sa susunod na linggo.
Hindi naman nakatawid ang 14 pang mga Pinoy na kasama sana sa ikalawang batch matapos magpasyang magpa-iwan sa Gaza.
Ito ay matapos na hindi mabigyan ng security clearance ang kanilang mga asawang Palestino.
Patuloy naman na kinukumbinsi ng Philippine Embassy ang 14 na Pinoy na huwag nang magpaiwan sa Gaza at sa halip ay sumabay na sa second batch.
Pagkarating ng repatriates sa Cairo ay agad silang binigyan ng 1,000 US dollars kada pamilyang Pilipino.