Latest News

UNANG BAGYO, TATAMA SA 12 LUGAR

By: Victor Baldemor Ruiz

POSIBLENG maapektuhan ng Tropical Depression Aghon ang unang bagyong tatama sa Pilipinas ang 12 lugar na isinailalim na sa Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) No. 1 base sa huling pagtataya ng state weather bureau kahapon.

Unang mararamdaman ang papalapit na bagyo sa Eastern Visayas, ayon sa PAGASA.

Sa pinakahuling inilabas na weather bulletin ng PAGASA kahapon ng umaga ay sinabi nito na ang mga sumusunod na lugar ay nasa ilalim ng TCWS No. 1: Sorsogon, Albay, Catanduanes at Camarines Sur sa Luzon.

Signal Number one din sa Eastern Samar , Samar, Northern Samar, Leyte at Southern Leyte sa Visayan Region habang sa area ng Mindanao ay posibleng makaranas din ng pag ulan sa •Dinagat Islands, Surigao del Norte, Bucas Grande Group at Surigao del Sur.

Alas-11 ng umaga, sinabi ng PAGASA na ang bagyo ay nasa 240 kilometro silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur ang Aghon na may lakas na hanging 45 kilometro bawat oras, pagbugsong aabot sa 55 kilometro bawat oras at central pressure na 1006 hpa.

Kumikilos ito pakanluran hilagang-kanluran sa bilis na 10 km/h matapos na una itong namataan bilang isang low pressure area lamang sa Silangang bahagi ng Hinatuan, Surigao del Sur hanggang sa naging ganap na bagyo .

Inaasahan ang malakas na pag-ulan hanggang Sabado ng hapon sa Eastern Samar, Southern Leyte, Surigao del Norte at Dinagat Islands.

Samantala, malakas na pag-ulan din ang posibleng maranasan sa Surigao del Sur sa nalalabing bahagi ng Eastern Visayas at Bicol dahil kay Aghon.

Agad na nagbabala ang OCD at NDRRMC sa posibleng mga pagbaha at landslides.

Tags:

You May Also Like

Most Read