Magpupulong sina Justice Secretary Jrsus Vrispin Remulla at UN special rapporteur on the sale and sexual exploitation of children Mama Fatima Singhateh sa Department of Justice(DOJ) sa Miyerkoles,Disyembre 7.
Ito ang kinumpirma ni DOJ spokesperson Asec. Mico Clavano matapos imbitahin ni Remulla si Singhateh.
“The purpose of the meeting is for Secretary Remulla to express his gratitude to the UN representative for visiting the Philippines and to answer any questions she may still have after her visit to the different local governments around the country,” pahayag ni Clavano.
Sinabi ni Clavano na gusto ni Remulla na.mabigyan si Singhateh nang mas maraming impormastib kaugnay sa online sexual abuse at exploitation sa situwasyon ng mga bata.
Ipaliliwanag rin ni Remulla ang papel ng gobyerno para.tapusin ang kriminal na aktibidad na kinasasangkutan ng menor de edad.
Ito ang kauna-unahang pagbisita ng isang UN special rapporteur sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos at sa nakalipas na 7 taon.
Magugunita na noong 2016 ,sa ilalim ng administrasyon Duterte ay kinansela ang nakatakdang pagbisita noong 2017 ni UN special rapporteur on extra-judicial, summary or arbitrary executions Agnes Callamard matapos ang public word war kaugnay sa libing nasawi sa madugong drug war. (Jaymel Manuel)