Latest News

UKRAINIAN REFUGEES, WELCOME SA PILIPINAS

TATANGGAPIN umano sa Pilipinas ang mga Ukranians na umalis sa kanilang bansa dahil sa nagaganap na krisis.

Ito ang tiniyak ni , Justice Secretary Menardo Guevarra pero hanggang sa ngayon ay wala pang Ukranians na humihingi ng asylum sa Pilipinas.

“Ukrainians fleeing from the war in their country are of course welcome in the Philippines for humanitarian reasons,” ani Guevarra.


Gayunman, kung mayroon mag a-apply para sa refugee status ay isasailalim ito sa evaulation,alinsunod sa batas at nilagdaang executive order 163 ni Pangulong Rodrigo Duterte,nitong Pebrero 28.

“But should there be any, his/her application for refugee status will be evaluated in accordance with our laws and the recently signed executive order,” ayon kay Guevarra.

Nabatid na nakasaad sa EO nilagdaan ni Duterte bibigyan ng proteksiyon ang mga refugees, stateless persons at asylum seekers sa ilalim ng international agreements.

Kaugnay nito, ayon sa United Nation mahigit sa 4 milyon katao ang aalis sa Ukraine dahil sa ginagawang pananakop ng Russia. (Anthony Quindoy)


Tags:

You May Also Like

Most Read