Latest News

U.S WARSHIP SA PILIPINAS WALANG KINALAMAN SA RUSSIAN INVASION SA UKRAINE

WALANG kaugnayan sa nagaganap na armed conflict sa pagitan ng Russia at Ukraine kaya nasa Pilipinas ngayon ang isang U.S warship na bahagi ng US 7th deployment fleet na naka deploy sa Indo-Pacific region.

Ayon sa Department of National Defnse at pamunuan ng Philippine Navy nasa bansa ngayon ang Littoral combat ship ng US Navy ang USS Tulsa para sa isang regular port call.

Ayon sa Philippine Navy dumaong ang nasabing US Navy vessel nuong nakalipas na lingo, matapos bigyan ng diplomatic clearance ng Department of Foreign Affiars (DFA).

Kasalukuyang sumasailalim sa replenishment at maintenance ang USS Tulsa.

Magugunita na nuong February 22,2022, nakipagpulong si US Navy 7th Fleet, Vice Admiral Karl Thomas kay Philippine Navy Flag-Officer-in-Command VADm. Adelius Bordado.

Ang pagbisita ni VAdm. Thomas ayb pagpapakita ng matibay na alyansa na lalo pang pinalalakas ang partnership at kooperasyon ng dalawang navies.

Kapwa nagpahayag sina Thomas at Bordado ng kanilang paninindigan para sa “free and open Indo-Pacific region.”

Nilinaw ng AFP , na aalis din agad ng bansa ang USS Tulsa sa sandaling matapos at makumpleto ang isinasagawang ship replenishment at maintenance.

Kamakailan ay binisita rin ni United States Army Pacific Command (USARPAC),commander General Charles A Flynn ang mga pinuno ng major service commands ng Armed Forces of the Philippine. (VICTOR BALDEMOR)

Tags:

You May Also Like

Most Read