TWO TIME OLYMPIC GOLD MEDALIST KASAPI NA NG PHIL NAVY

By: Victor Baldemor Ruiz

OPISYAL nang naging kasapi ng Philippine Navy Reserve Force ang two-time Olympic gold medalist na si Carlos Yulo kahit may mga kontrobersyang ipinupukol sa kanya.

Inihayag ng pamunuan ng Philippine Navy na nanumpa si Carlos Yulo bilang Petty Officer 1st Class nitong nakalipas na Lunes sa punong himpilan ng Hukbong Dagat ng Pilipinas sa Roxas Blvd sa Maynila.


Sinabi naman ni Yulo na proud siyang mabigyan ng pagkakataon na mapabilang sa Phil. Navy Reserve Force, isang pagkilala umano na hindi niya inaasahan.

Ikinagagalak ko nang may buong pagmamalaki ang pagsusuot ng uniporme ng PH Navy at pinasalamatan din niya ang Navy para sa prestihiyosong pagkilala, ani PO1 Yulo.

Sumumpa naman si Yulo na kanyang tutupdin ang core values ng Hukbong Dagat at magsisilbing inspirasyon sa mga kabataan sa pamamagitan ng sports, na kaya rin nilang magsilbi sa ating bansa.


Sa isang mensahe naman na ipinaabot ni Philippine Navy Flag Officer In Command, Vice Adm. Toribio Adaci, Jr., kaniyang pinuri ang golden boy at sinabing kumpiyansa siyang gagawin din ni Yulo bilang isang reservist ang ipinamalas niyang dedikasyon, disiplina at drive para maging kampeon sa world stage, kasama ang mga kababaihan at kalalakihan ng PH Navy na nag-alay ng kanilang buhay para protektahan ang bansa.


Tags: Carlos Yulo

You May Also Like