TRENDING ang video ng pagkikita ng ex-lovers na sina James Reid at Nadine Lustre sa isang event.
Sa video ay makikitang nilapitan ni James ang former GF para i-beso ito at yakapin sa Gucci event.
Masayang nag-uusap sina Nadine, Kylie Versozanat Anne Curtis nang lumapit si James na nakuhanan ng video at agad nai- post sa X o Twitter.
Hindi naman in-isnab ni Nadine ang ex, yumakap din siya rito at bumeso.
Pero marami ang nakapansin na pinag-adya ang pagkikita dahil twinning ng ex-lovers.
Pareho kasi silang naka-gray na Gucci na aakalain mong mag-dyowa na umatend sa event.
Ano kaya ang naging reaction ng GF ni James na si Issa Pressman?
Reaksiyon tuloy ng netizens: “Haha sila pala pinagkakaguluhan kanina pagdaan namin. Sayang.”
“OMG my Jadine’s heart.”
“Civil naman yung mag-ex. Kung bakit ba dito sa X puro away nalang Bumebeso rin ako sa ex ko kapag nagkkita kami kasi why not? Happy naman ako sa marriage ko now saka may pinagsamahan naman kami before. Konting kwentuhan wouldn’t hurt as well kc hanggang dun lang naman yun.”
“Tag nyo nalang ako sa mga bardahan nyo nonood ako.”
“My divorced parents.”
“Nako naman jadine. Wag ako pls”
“Taray ng JaDine walang ilangan Nagbeso yarn?”