Latest News

Turn-out ng voters overseas, mataas — Comelec

INAASAHAN ng Commission on Elections (Comelec) na magiging mataas ang “turnout” ng overseas voting ngayong 2022 elections.

“Our overseas voting right now is very much interesting because you know on the first day, there are so many overseas voters who want to vote,” ayon kay Comelec Commissioner Marlon Casquejo.


Ito umano ay mas.mataas kumpara noong 2016 at 2019 elections.

Lumalabas sa datos ng Comelec na may 1.7 milyon Pilipino na nasa abroad ang nakapagpa-rehistro para sa 2022 elections.

Sinabi ni Casquejo na nalampasan na ang kanilang target na botante sa mga bumoto ngayon halalan.


“Sa ngayon, for this early time period of voting, we have already reached our target, which is more than 30 percent,” ani Casquejo.

Nabatid na nagsimula noong Abril 10,ang overseas voting na hanggang sa Mayo 9.


Nalaman na noong 2016,nakapagtala ang Comelec ng pinakamataas na voters’ turnout kung saan umabot sa 430,000 overseas Filipinos o 31.25% ng 1.37 milyon na nagpa-rehistro ang bumoto habang noong 2019 polls ay 26.3% o 334,000 ng 1.82 milyon nagpa-rehistro ang bumoto.

Sinabi ni Casquejo na inaasahan na mataas ang voters’ turnout dahil sa konseptong “vote anywhere” concept at field voting. (Carl Angelo)


Tags: Commission on Elections (Comelec)

You May Also Like