Latest News

TURKISH GOVERNMENT, TUTULONG SA AFP MODERNIZATION

Sa ginawang pagbisita ni Turkish Ambassador to the Philippines Niyazi Eyren Akyol kay Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Gen. Andres Centino, tiniyak nitong susuportahan ng Turkish government ang isinusulong na AFP Modernization program.

Ayon sa ibinahaging ulat ng AFP public Information Office, tiniyak ni Akyol sa kanyang courtesy call kay Gen. Centino sa AFP General Headquarters sa Camp Aguinaldo na tuloy tuloy ang tulong ng kanilang pamahalaan sa hukbong sandatahan ng Pilipinas.

Sa naturang courtesy call, napag-usapan ang kakayahan ng Turkish Defense Industry na mag supply ng mga modernong kagamitang pandigma kabilang na ang mga sasakyang pandagat at assault choppers.

Hindi kinalimutang pasalamatan ni Gen. Centino ang Turkish government sa tulong sa Pilipinas kaugnay sa Philippine Air Force (PAF) Attack Helicopter o AHAP T129 acquisition at Philippine Army (PA) M113 APC Fire Power Upgrade project.

Nabatid pa na sa pag upo kamakailan ni Gen Centino ay balak nitong palawakin ang kasalukuyang Memorandum of Understanding on Defense Industry Cooperation sa pagitan ng Pilipinas at Turkey para sumaklaw sa mas malawak na koopersasyong militar sa pagitan ng dalawang magkaibigang bansa.

Iprinisinta din ni Ambassador Akyol ang kasalukuyan nilannang talakayin nila ang komprehensibong defense industry ng Turkey.

Tugon naman ni Gen Centino dahil may umiiral ng MOU sa Turkey subalit naka tuon lamang sa Defense Industry Cooperation, ay dapat umanong palakasin pa ang relasyon ng dalawang bansa sa pamamagitan ng pag buo mas malawak na military cooperation framework para pag aralan pa ang mga hindi saklaw ng umiiral na defense agreement. (VICTOR BALDEMOR RUIZ)

Tags:

You May Also Like

Most Read