Latest News

TURISMO, KUMITA NG P149-B

Kumita umano ng P149-bilyon sa turismo ang bansa nitong Nobyembre 2022

Ayon sa year-end report ng Department.of Tourism (DOT) ,nasa 2.4 milyon dayuhang turista ang dumagsa sa bansa o 75% ng target ng DOT.


Nabatid na target ng DOT ang pagpasok ng may 1.7 milyon dayuhan sa mga kilalang beach sa bansa.

Sa susunod na taon ,target ng DOT na makapasok sa bansa ang may 2.6 milyon na dayuhang turista sa low scenario at 6.4 milyon sa high scenario.

Nakahanda na umano ang mga programa ng DOT para sa 2023 na nasa Seven-Point Agenda sa layuning mas mapaayos ang tourism infrastructure, makapag-establish ng cohesive digitalization at connectivity, palakasin pa.ang turismo sa bansa at equalizing product development.


Kasama na dito ang.pag-develop sa cruise tourism hanggang sa 136 daungan at paglalagay ng Tourism desk at Tourist Rest Areas. (Anthony Quindoy)


Tags: Department of Tourism (DOT)

You May Also Like

Latest News