Latest News

TUP STUDENT LUMUNDAG SA 4TH FLOOR, PATAY

By: Baby Cuevas

Agad na nasawi ang isang babaeng estudyante ng Technological Institute of the Philippines (TUP) matapos na lumundag diumano mula sa ikaapat na palapag ng College of Industrial Engineering (CIE), sa San Marcelino Street sa Ermita, Maynila nitong Sabado ng umaga.

Kinilala ni PMSg Roderick Magpale, imbestigador ng Manila Police District -homicide, ang biktima na si Michelle, 23, ng Quezon City.

Naganap umano ang pagtalon ng biktima alas-9:22 ng umaga matapos nitong tumuntong sa bangko at tumalon mula sa balkonahe ng ikaapat na palapag.


Nakasuot pa umano ng uniporme ang estudyanteng babae nang tumalon sa 4th floor.

Ayon sa isang saksing estudyante rin, bago ang pagtalon ng biktima ay nakita ito na nagmamadaling umakyat sa gusali.


Ang biktima ay tahimik umanong estudyante at kung hindi ito kakausapin ay hindi makikipag-usap.

Naisugod pa ang biktima sa Manila Doctors’ Hospital pero idineklarang patay alas- 10:28 ng umaga.


Napag-alaman na ang insidente ay naganap pagkatapos ang napaulat na ‘bomb threat’ sa unibersidad, sa gusali rin ng CIE.

Sa Facebook page ng TUP Manila Ministry on Campus, nakapost ang ganitong mensahe: “Today, we mourn the loss of a dear member of our TUP family. Her time with us was far too short, but her impact will forever be remembered. May Her soul find peace, and may we carry forward the kindness, dreams, and aspirations she shared with us.”

Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng Manila Police District (MPD) kaugnay pagpapakamatay ng biktima.

Tags: Technological Institute of the Philippines (TUP)

You May Also Like

Most Read