TUP, BINULABOG NG BOMB THREAT

By: Baby Cuevas

LUMIKHA ng pnsamantalang tensyon sa loob ng Technological University of the Philippines (TUP) ang pagkakatanggap kahapon ng umaga ng text messages ng isang estudyante na may bomba umanong itinanim at nakatakdang sumabog sa loob ng campus na matatagpuan sa panulukan ng San Marcelino at Ayala Streets sa Ermita, Maynila.

Ayon sa Manila Police District -Police Station 5, isang estudyanteng babae ang nagsumbong sa kanyang professor na si Justine Kylo Mark Orpia, 29, kaugnay sa natanggap niyang mensahe mula sa isang Dan Telyo .


“Mamaya na sasabog ‘yung bomba na nakatanim sa school building ingat kayo mamaya. sa mga papasok sa Ermita TUP Manila,” ayon sa mensahe.

Kasunod umano nito, sinabi naman sa text na dumating 5:58 ng umaga na: “sasabog ang TUP mamayang 7 a.m. mag ingat kayo.”

Ipinakita ni Orpia sa security guard ng TUP na si Rolando Duyag ang mensahe at ito ang tumawag sa MPD-Explosive and Ordnance Division.


Kaagad namang dumating ang mga tauhan ng EOD kasama ang mga K9 dogs at nagsagawa ang mga ito ng inspeksiyon sa TUP College of Industrial Education Building .

Ganap na 8:05 ng umaga nang ideklara ni PMSg Ernesto Rivera ng MPD- EOD na negatibo sa bomba o anumang mapanganib na explosive material ang TUP.


Tags: Technological University of the Philippines (TUP)

You May Also Like