Tumakbo sa police checkpoint, arestado

By: Baby Cuevas

Arestado ang isang 25- anyos na lalaki matapos takbuhan ang inilagay na checkpoint ng mga tauhan ng Manila Police District – Station 5, kamakalawa ng hapon sa San Marcelino Street malapit sa panulukan ng Malvar Street sa Paco, Maynila.

Nahaharap sa kasong resistance and disobedience of agent of person in authority ang suspek na si Mac Ian Oyando y Acebes, alyas “Dagul/Dagol, ng No. 1225 Trece de Agosto, Paco,Maynila.


Napag-alaman na nagsasagawa ng Oplan Sita ang mga pulis alas-4 ng hapon
sa nabanggit na lugar nang dumaan ang suspek na nakasakay sa Honda Click 125 na kulay itim at walang suot na helmet.

Sa halip na huminto sa checkpoint nang parahin ng mga pulis pinaharurot ng suspek ang kanyang motorsiklo, dahilan para siya ay habulin at nang ma-korner sa may San Marcelino Street ay inaresto ito ng mga pulis.


Tags: Manila Police District - Station 5

You May Also Like