Tulong ng pribadong sektor, hiling ni PFMJ laban sa smuggling

Humingi ng tulong si Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. sa pribadong sektor kaugnay sa kanyang plano na paigtingin ang kampanya ng gobyerno laban sa laganap na smuggling sa bansa.

Sa pakikipagpulong sa Private Sector Advisory Council (PSAC) sa Malakanyang, dismayado.umano si Marcos dahil sa kabila ng pagsusumikap ng gobyerno na masugpo ang smuggling ay patuloy pa rin ang laganap na pagpupuslit ng mga produkto.

“To be brutally frank about it, we have a system but they are not working. The smuggling here in this country is absolutely rampant. So it does not matter to me how many systems we have in place, they do not work,” pahayag ni Marcos sa PSAC.


“So we really have to find something else. We cannot continue to depend on these systems, which have already proven themselves to be quite ineffective,”dagdag ni Marcos.

Gusto umano ni Marcos na magkaroon ng reporma sa pamamagitan ng pagsasaayos sa ahensiya o pagbuo ng panibagong ahensiya.


Nais din umano ni Marcos na maging mas madali ang transaksiyon,maging mura at maayos.

Nalaman na ang pagbubukas ng database sa Bureau of Customs at Department of Agriculture (DA ) ay isa sa rekomendasyon sa naganap na pagpupulong ni Marcos at PSAC. (Carl Angelo)


 

Tags: Jr., Pangulong Ferdinand R. Marcos

You May Also Like

Most Read