Patuloy pa rin sa kanyang pagta-trabaho si Department of Social Welfare and Development Secretary Erwin Tulfo sa kabila na hindi kinumpirma ang kanyang appoinment ng Commission on Appointments (CA).
Sinabi ni Tulfo na humingi umano siya ng guidance kay Pangulong Ferdinand Marcos, Jr.at sinabi umano nito sa kanya sa pamamagitan ng text na ipagpatuloy lamang niya ang kanyang trabaho.
Sinabi ni Tulfo na hanggang sa Marso 2023 pa naman mage-expire ang pinirmahan niya noong siya ay nanumpa.
Sinabi ni Tulfo na kahit na-reject ng CA ang kanyang appointment ay nakahanda pa rin siyang magsilbi sa bayan.
Ayon pa kay Tulfo, wala namang magagawa ang ehekutibo tungkol sa.isyu dahil trabaho ito ng lehislatura. (JERRY S. TAN)