‘Tulak’ sa Malacanang complex, arestado sa NBI at PSG

By: JANTZEN ALVIN

Inaresto ng pinagsanib na tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Presidential Security Group (PSG) ang isang drug pusher na nag-ooperate umano sa loob ng Malacanang Complex sa isang buy-bust operation kamakailan sa San Miguel, Maynila.


Ayon sa ulat na tinanggap ni NBI Director Jimmy Santiago, naaresto sa kanyang bahay sa 946 Nicanor Padilla St., San Miguel, Maynila ang suspek na si Edgar Ventura,alyas Face, habang makatakas naman sa mga awtoridad ang kapartner nito sa pagbebenta ng iligal na droga na si Francisco Soriano,alyas Juntot, sa isinagawang operasyon noong Oktubre 16, 2024. Ang ulat ay kahapon lamang inilabas sa publiko.

Napag-alaman kay Santiago na nakatanggap ng impormasyon ang NBI kaugnay sa iligal na aktibidad ni Ventura sa loob ng Malacanang Complex.

Agad na nagsagawa ng test-buy ang NBI at nang makumpirma ang iligal na aktibidad ni Ventura ay pinlano na ang operasyon matapos na makipag-ugnayan sa PSG at PDEA.


Nakakumpiska ang mga awtoridad ng siyam na sachet ng shabu at mga drug paraphernalia.

Samantala, kapwa sinampahan ng kasong.paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 si Ventura at Soriano sa Manila Prosecutor’s Office.


Tags: National Bureau of Investigation (NBI), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)

You May Also Like