Latest News

TULAK NG DROGA SA QUEZON CITY TIKLO NG PDEA

INAKSYUNAN ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Wilkins Villanueva ang ipinarating na impormasyon sa proyektong “Isumbong mo kay WILKINS” hinggil sa sinasabing bigtime na tulak ng droga sa Barangay Pinyahan sa Quezon City.

Agad na sinalakay ng mga tauhan ng PDEA Regional Office NCR- Quezon City District Office ang isang bahay sa squatter’s area sa Agham Road sa Barangay Pinyahan at doon ay nadakip ang sinasabing tulak ng ipinagbabawal na droga.

Nasamsam sa suspek ang 500 gramo ng hinihinalang shabu na may P 3 million ang street value.

Sa accomplishment report na isinumite sa tanggapan ni DG Villanueva ni RO-NCR director Christian Frivaldo, napag-alaman na bandang alas- 4:15 kamakalawa ng hapon nang ikinasa ang isang buybust operation sa D-159 NIA Road . Brgy. Pinyahan sa Quezon City at ito ay pinamunuan ni RO-NCR Quezon City District Officer Champ Sulit .

Kinilala ni Director Frivaldo ang naarestong drug personality na si Ryan Kenneth Umadhay y Gallardo, 34, porter, residente ng D-159 NIA ROAD Brgy. Pinyahan, Quezon City

Nabawi sa suspek ang may kalahating kilo ng shabu, buybust money, isang cellphone at isang pirasong digital weighing scale. Nahaharap sa kaukulang kaso ang suspek.

Ayon kay Sulit, si Umadhay, ay sangkot sa malawakang bentahan ng droga at ang kanyang mga parukyano ay mga dayo sa nasabing lugar. (VICTOR BALDEMOR)

Tags:

You May Also Like

Most Read