NABITAG ng mga operatiba ng Naga City Police Office at Philippine Drug Enforcement Agency-Cam Sur ang isang tulak ng droga sa inilatag nitong buy-bust operation sa Zone 1, Barlin St., Brgy. Sta.Cruz, Naga City.
Ang salarin ay tinutukoy na si JEFFREY SAN BUENAVENTURA Y REOLOPE, 39-anyos at residente ng Brgy. Abella, Naga City.
Nasamsam sa kanyang pag-iingat ang 60 gramo ng “shabu” na nakasilid sa dalawang pakete ng plastic na may street value na aabot sa P408,000.
Ang suspek ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Police Station 1, Naga CPO at nahaharap sa kasong RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.
Ang PNP Bicol kasama ang PDEA ROV ay patuloy na magtutulungan para supilin at bigyan ng tuldok ang matagal ng suliranin sa ipinagbabawal na gamot. Mas agresibo rin ito sa pagpapatupad ng programa ng pamahalaan upang makamit ang pagbabago at ituwid ang landas ng ilang indibidwal na nalihis bilang resulta ng paggamit ng droga. (VICTOR BALDEMOR)














