TULAK NG DROGA SA DAET, TIKLO SA BUY-BUST

SAMPUNG pakete ng ipinagbabawal na droga ang nakumpiska ng mga operatiba ng PNP-PRO5 Daet sa inilatag nitong buy-bust operation laban sa isang tulak ng droga sa lalawigan ng Daet, Camarines Norte.

Kasalukuyang nasa kustodiya na ng Daet MPS ang suspek na kinilalang si Alex Rivera y Villagarcia, 59 anyos, at tubong Brgy. Borabod, Daet, Camarines Norte.

Nasaksihan ng mga mandatory witness na kinabibilangan ng mga opisyales ng nasabing barangay at media representative mula sa Brigada News FM ang nasabing operasyon.


Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Section 5 at 11, Article II ng RA 9165.

Ang PNP Bicol ay wala pa ring humpay sa pagsasagawa ng operasyon upang maresolba at supilin ang problema sa iligal na droga, ani Bicol PNP chief PBrig General Jonnel C Estomo. (VICTOR BALDEMOR)


Tags: PNP-PRO5 Daet

You May Also Like

Most Read