TUGBOAT AT PANAMIAN CARGO VESSEL, NAGBANGGAN SA SARANGGANI; ISA PATAY, 1 NAWAWALA

By: Victor Baldemor Ruiz

PATAY ang kapitan ng isang Philippine tugboat vessel matapos na makabanggan nila ang isang Panama-registered cargo vessel kahapon ng madaling araw sa dagat sakop ng Maasim, Sarangani Province.

Kinumpirma ng Philippine Coast Guard (PCG) na may nasawi sa banggaan ng barko at tugboat sa Sarangani subalit hindi kaagad inilabas ang pagkakakilanlan nto.

Ayon sa PCG, nangyari ang insidente bandang alas-4:20 kahapon ng umaga sa karagatang sakop ng Maasim, Sarangani.


Sa ibinahaging ulat ng Philippine Coast Guard na naka-base sa nasabing bayan, patay ang kapitan ng M/Tug Sadong 33, isang Philippine-flagged tugboat at Panamanian-flagged MV Universe Kiza .

Matapos na ma-rescue ang anim sa walong tripulante ng M/tug Sadong 33 ay ipinag-utos ng PCG na pasimulan agad ang imbestigasyon sa naging sanhi ng salpukan ng dalawang sasakyang- dagat.


“According to the company’s project engineer who reported the incident, M/Tug Sadong 33 had eight crew on board. As of 8 a.m., the Coast Guard SAR team reported that six of the eight crew have been rescued and are now in good physical condition,” pahayag ni Lt. Junior Grade Gideon Dulnuan, Coast Guard public affairs officer ng PCG District Southern Mindanao.

Pinaghahanap pa hanggang kahapon ng coast guard rescue team ang isa pang tripulante ng tugboat gamit ang tatlong sea assets ng nasabing tanggapan.


Wala namang inulat na nasaktan sa hanay ng mga sakay ng MV Universe Kiza base sa inisyal na report na hawak ng PCG.

Tags: Philippine Coast Guard (PCG)

You May Also Like

Most Read