Patay ang isang 85-anyos na Tsinoy, matapos na mabundol ng isang cement mixer truck kahapon ng hapon sa kanto ng CM Recto Avenue at T. Mapua St., Sta. Cruz, Maynila.
Ayon sa ulat ng Manila Police District -Station 11 (MPD-PS11), kinilala ang biktimang si Donato Ang, 85 at taga 632 Carvajal St., Binondo, Maynila.
Naganap ang insidente alas-5:30 ng hapon sa nabanggit na lugar.
Nabatid sa sketchy report ng MPD-PS 11 na,minamaneho ng suspek na si Edilberto Aballe y Lacandero, 48, driver,, ng truck mixer at stay-in sa HB Concrete Builders Inc. na matatagpuan sa Lusacan St., C6 Road, Barangay Wawa, Taguig City, nang pagsapit sa nabanggit na lugar ay nabundol ang biktima.
Sasampahan ng kasong reckless imprudence resulting to homicide ang suspek sa Manila Prosecutors Office.














