Latest News

TSINOY STUDENT NA DI PUMASA SA THESIS, LUMUNDAG SA CONDO, PATAY

By: Baby Cuevas

Lasog-lasog ang katawan ng isang estudyanteng Tsinoy matapos na ito ay lumundag sa roofdeck ng isang 56-palapag na condominium, nang pagalitan ng kanyang magulang dahil dalawang beses na bumagsak sa thesis.

Naganap ang insidente kahapon ng madaling araw sa Orchard Residences sa Masangkay,Tondo, Maynila at naisugod pa sa Metropolitan Hospital pero idineklarang patay ala- 1:08 ng madaling araw ang 22-anyos na biktima, ng Orchard Residences, Masangkay, Tondo, Maynila.

Sa imbestigasyon ni PMSg Arvy Macarasig ng Manila Police District -homicide section, bago ang paglundag sa roofdeck ng condominium ay pinagalitan umano ang biktima ng kanyang mga magulang dahil sa indi na naman nito naipasa ang kanyang thesis.


Ayon sa security guard na si Havid Vero,nagsasagawa siya ng pag-iikot nang makarinig siya ng malakas na kalabog alas- 11:45 ng hatinggabi at nang hanapin ang pinagmulan ng kalabog ay nakita ang biktima.

Bumagsak ang biktima sa Rectory Building sa loob ng St.Stephen Parish Compound sa Masangkay, Tondo.

Positibong kinilala ng ama ng biktima na anak niya ang nakahandusay, kaya pinakiusapan ang mga security guard na dalhin ito sa pagamutan.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya para alamin kung may naganap na ‘foulplay’ sa pagkamatay ng biktima.


You May Also Like

Most Read