Latest News

Tsinoy na problemado sa negosyo, tumalon sa gusali, patay

Patay at lasog ang katawan ng isang 63-anyos na negosyanteng Tsinoy matapos tumalon mula sa ika-limang palapag ng tinutuluyang gusali, kamakalawa ng hapon sa Tondo,Maynila.

Nasawi noon din ang biktimang kinilala lamang na si ‘Milo,’ ng 1630 Jose Abad Santos Avenue, Tondo, Maynila, matapos bumagsak sa sementadong kalsada na sakop ng Dagupan corner Malong Streets saTondo.

Ayon sa imbestigasyon ni PSSg Arvy Macarasig ng Manila Police District-homicide section,pasado alas- 4 ng hapon nang makita ni Silvestre Parado, 52 at family driver, ang pagtalon ng biktima sa bintana ng gusali.


Huling nakitang buhay ang biktima alas-3:45 ng hapon habang kinakausap ang kanyang mga empleyado.

Kaagad umanong ipinagbigay-alam ni Parado sa kapatid ng biktima ang ginawa nito at nang puntahan ay wala na itong buhay.


Napag-alaman na umiinom umano ng anti-depressants ang biktima at hinalang ang dinaranas na problema sa kanyang negosyo ang nagtulak dito para magpakamatay.

Patuloy naman na nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya sa insidente. (Philip Reyes)


Tags: Police District-homicide section

You May Also Like

Most Read