Latest News

TSEKWA HULI SA PAGPAPAKALAT NG PEKENG YOSI

By: Victor Baldemor Ruiz

ISANG Chinese national ang dinakip ng mga awtoridad sa pagbebenta at pagpapakalat ng pekeng sigarilyo sa Barangay Ermita sa Cebu City.

Sa ulat ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group ay kinilala ang banyagang suspek na si Allen Lim, 40 anyos.


Nasamsam ng mga operatiba ng CIDG Mandaue City Field Unit mula kay Lim ang tinatayang P1.9 milyong halaga ng mga pekeng produkto ng Japan Tobacco International at Phillip Morris Fortune Tobacco Company.

Nahuli sapag-iingat ni Lim ang 9 na kahon ng Mighty Green; 4 na kahon ng Mighty Red, 3 kahon ng Winston; 2 kahon ng Marlboro; 3 kahon ng Jackpot; isang kahon ng iba’t ibang Mighty na sigarilyo; at ilan pang sari-saring produkto ng sigarilyo.

Isinagawa ang operasyon laban sa banyaga matapos ang pagkasamsam ng nasa P700,000 na halaga ng pekeng sigarilyo sa Danao City kung saan itinuro ang suspek bilang supplier.


Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 8293 o ang Intellectual Property Rights, Graphic Health Warning Law, and National Internal Revenue Code of 1997 ang inaresto.


Tags: Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group

You May Also Like