CHINESE NATIONAL, HULI SA BAWAL NA KATOL

By: Victor Baldemor Ruiz

MILYONG pisong halaga ng ipinagbabawal na katol o mosquito coil ang nasamsam sa dinakip na Chinese national ng mga tauhan ng PNP-Criminal Investigation and detection Group sa Brgy. Sta. Rosa, Marilao, Bulacan.

Dinakip ang suspek na kinilalang si Shi Yun Chung alias “Shi Zhen Cong” matapos ang inilatag na entrapment operation ng mga pulis kasama ang mga tauhan ng Food and Drug Administration (FDA).

Si alyas Shi Zhen Cong ay sumailalim muna sa intelligence gathering kasunod ng ulat na nagbebenta ito ng FDA unregistered mosquito coil na ipinagbabawal din ng mag health expert dahil sa umanong masamang epekto nito sa kalusugan


Inaresto ang suspek matapos magkasa ng entrapment operation ang CIDG Regional Field Unit 3 katuwang ang CIDG Bulacan Provincial Field Unit at FDA.

Ayon kay CIDG Director PMGen. Romeo Caramat Jr., huli sa aktong nagbebenta ng wawang katol ang suspek.


Nasa 2,050 mga kahon ng katol ang nasabat ng mga awtoridad mula kay Si Zhen Cong na mayruong market value na ?1.4 milyon.

Ang suspek ay nasa kustodiya na ngayon ng CIDG Regional Field Unit 3 office para sa documentation and proper disposition habang inihahanda narin ang kasong paglabag sa RA 9711 FDA Act of 2009, RA 7339 Consumer Act of the Philippines na isasampa laban dito.


Babala ng CIDG sa publiko na huwag bibili ng hindi rehistrado at substandard na mga produkto gaya ng unregistered mosquito coil dahil mapanganib ito sa kalusugan at mayroon din itong epekto sa ating ekonomiya.

Tags: PNP-Criminal Investigation and Detection group

You May Also Like

Most Read