Latest News

TS ENTENG DEATH TOLL, 15 NA, MGA AHENSIYA PINAKILOS NI PBBM

By: Victor Baldemor Ruiz

NAKIPAGPULONG kahapon si Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. sa iba’t-ibang ahensya ng gobyerno na nasa ilalim ng National Disaster Risk Reduction Management Council, para tutukan ang isinasagawang relief operations sa mga lugar na sinalanta ng Bagyong’ Enteng’ na pinalala pa ng nararanasang Southwest Monsoon o Habagat na nagpabaha sa maraming lugar .

Inatasan din ni Pangulong Marcos ang Office of Civil Defense, ang chief operating arm ng NDRRMC, na laging magsumite ng updated reports hinggil sa naging epekto ng severe tropical storm ‘Enteng’, sa ginanap na pagpupulong sa Camp Aguinaldo sa Quezon City kahapon.

“The President has ordered a whole-of-government approach to address the effects of the recent calamity which brought extensive damage to parts of Luzon, Visayas and the National Capital Region (NCR) this week,” ani NDRRMC director and spokesperson Edgar Posadas.


Sa nasabing pagpupulong ay inihayag ni PBBM na umaabot na sa P16 million ang mga ipinagkaloob na tulong ng gobyerno sa mga lugar na nasalanta ng bagyo sa pamamagitan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Inatasan din ng Pangulo ang ahensya na gamitin nang wasto ang nalalabing P65.56 million na ‘standby funds’, maging ang P2.60 billion fund for food and non-food items.


Kaugnay naman sa mga pangangailangang medikal, tiniyak ng Pangulo ang paglalaan ng P480.61 million para matugunan ang kinakailangan health services para sa mahigit 500,000 affected residents.

Sinasabing umabot na sa 15 ang bilang ng nasawi sanhi ng tropical storm Enteng, habang may 21 ang iniulat na nawawala, ayon sa nakalap na ulat ng Office of Civil Defense (OCD).


Sa nasabing situation briefing sa NDRRMC ay inihayag ni OCD Operations Service Director Cesar Idio na kabilang sa mga reported death ang walong patay na naitala mula sa Rizal; dalawa sa Cebu City, dalawa sa Northern Samar, dalawa rin sa Naga City at isa sa Negros Occidental. Karamihan sa mga nasawi ay bunsod ng pagkalunod at landslides.

Samantala, dalawa ang inulat na nawawala sa Northern Samar, tatlo sa Samar, isa sa Biliran bunsod ng naganap na flash flood, habang may 15 mangingisda ang iniulat na nawawala sa Camarines Norte .

Umabot rin sa 15 ang iniulat na nasaktan sa Cebu City, Naga City at Northern Samar at hindi kasama sa ulat ang mga ‘reported injured’ sa Rizal sanhi ng landslides.

Umaabot naman sa 21,681 families o 88,077 katao ang nawalan ng tirahan o napilitang lumikas sa kasagsagan ng bagyo na nagpabaha sa 121 cities or municipalities, bukod pa sa naitalang 14 na insidente ng landslides.

Tags: angulong Ferdinand R. Marcos, Jr.

You May Also Like

Most Read