Latest News

TRUCK DRIVER, GINILITAN SA AWAY-TAPIKO SA TONDO

Patay ang isang 43-anyos na truck driver matapos na gilitan sa leeg ng suspek na kanyang nakaalitan dahil sa away trapiko,kamakalawa ng gabi sa may MICT Access Road malapit sa Parola Gate 1,Tondo,Maynila.

Sa imbestigasyon ni PSSg John Paul Rojo ng Manila Police District-homicide section,nakilala ang biktima na si John Henry Aquino,truck driver at taga 654 Francisco St,, Arkong Bato,Valenzuela City.


Naganap umano ang insidente alas 9:30 ng gabi sa nabanggit na lugar.

Ayon kay Oliver de Guzman,truck helper ng biktima, nagkaroon umano ng pag-aaway ang biktima at suspek na inilarawan na may taas 5’4 -5’5, matipuno ang pangangatawan,kalbo, nakasuot ng puting t-hirt , maong na pantalon at nagmamaneho rib ng truck sa kalsada ng Delpan,Binondo.

Nang dumating sa MICT Access Road,hinarang ng suspek ang kanyang truck sa biktima,bumaba at hinamon ng suntukan ang biktima.


Bumaba naman ng truck ang biktima at hinabol ang suspek,maya-maya ba ay nakita ni De Guzman na duguan ang biktima habang tumakas naman ang suspek.

Kaagad namang isinugod sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center (GABMMC) ang biktima pero idineklarang dead-on-arrival dahil sa tinamong saksak sa leeg.


Nagsasagawa naman ng manhunt operation laban sa suspek ang pulisya. (Philip Reyes)


Tags: Manila Police District-homicide section

You May Also Like