Latest News

TRILATERAL WAR EXERCISE SA WEST PHILIPPINE SEA ITINANGGI NG AFP

By: Victor Baldemor Ruiz

NASUPALPAL ni Philippine Armed Forces chief of staff General Romeo Brawner ang Defense Force Deputy chief ng China ng umalma ito sa ginawang presentation ni Gen Brawner hinggil sa mga aktibidad ng China sa South China Sea.

Nabatid sa dinaluhang Indo-Pacific Chiefs of Defense conference na ginanap sa Fiji na dinaluhan ng may 20 bansa kabilang si Gen Xu ang China Defense Force Deputy chief ay inilantad ni Gen Brawner ang mga aktibidad ng China sa South China Sea.


“Binanggit natin doon sa ating discussions ‘yung ginagawa ng China. In-expose natin doon sa iba’t ibang bansa,ani Brawner sa isang panayam.

“…nagpresent ako pero napaka specific na talagang patama sa China although hindi naman natin sinadya na tamaan yung China dun pero sumagot sila e, ang sagot nga nila yung kwan, sinabi nila na sa amin yung China sea, sumusunod naman kami sa batas, tapos yun yung arbitral ruling is invalid and unacceptable sa kanila .”

Nabatid na nagulat din ang counter part ng Pilipinas mula sa United States, Japan at Australia sa sinagot ni Brawner …’sabi ko, well you have historical claims on the South China sea, We also have historical claims on the west Philippine sea sabi ko so, talagang sinabi ko yun, kaya yung mga ibang bansa e talagang nagugulat .


Napag alaman na sinuportahan ng US, Australia at Japan ang naging tugon ni Brawner. : “that was very gutsy but you did the right thing” pahayag pa ng kanyang mga counterparts “we were waiting for you to do that, of course sabi ko we have to speak up,” sagot naman ng heneral

Kaugnay nito ay hindi kinumpirma ni Brawner ang lumabas na ulat sa ilang pahayagan mula sa ibang bansa na nakatakdang magsagawa ng joint naval exercise ang US, Japan at Australia sa West Philippine Sea .


Wala umanong katotohanan ito ang suspetsa ni Brawner na posibleng na mis-interpret lamang ito dahil sabay sabay na nasa Pilipinas ang tatlong malalaking barkong pandigma ng mga nasabing bansa na kinabibilangan ng USS America , Her Majesty Ship Canberra at JS Izumo ng Japan.

Nabatid na ang Australia ay may ginagawang pagsasanay kasama ang Japan, Canada, at New Zealand subalit napag alaman na may mga Philippine Marines na naksakay sa kanilang mga barko partikular sa HMS Canberra, kung saan tutuloy ito sa Palawan.


Habang ang JS Izumo ay pupunta sa Pilipinas para magsagawa ng magport call at mag resupply, reprovision. Ang HMS Canberra naman ay kasama sa Joint exercise Alon 2023, habang ang USS America nagsasagawa ng freedom of navigation patrol .

Hindi umano ito magkaka ugnay, hindi naman sila nag-exercise na sabaysabay, kaya nung tinanong namin yung japan, yung US at yung Australia, pati sila confused e, hindi rin nila alam, ani Brawner.

Samantala sa isinagawang Camp David Trilateral Summit na dinaluhanng United States, Japan, at Republic of Korea ay itinalakay ang usapin hinggil sa Indo Pacific kabilang ang tension sa South China Sea.



Tags: hilippine Armed Forces chief of staff General Romeo Brawner

You May Also Like