TRIKE DRIVER, BINARIL SA ULO, PATAY

By: Baby Cuevas

Agad na nasawi ang isang tricycle driver nang barilin ito sa ulo habang nakaupo sa sidewalk at naghihintay ng pasahero sa Port Area, Manila nitong Lunes.

Dead-on-the-spot ang biktimang si Brando John Estalilla, 25, ng 345 Z.P. de Guzman St., Baseco Compound, Port Area, Maynila.


Nakatakas naman ang suspek na inilarawang nakasuot ng itim na t-shirt, itim na pantalon at itim na bull cap.

Sa imbestigasyon ni PCMS Boy Nino Baladjay ng Manila Police District-homicide section, naganap ang insidente alas-4:30 ng madaling araw sa Block 7, Old Site, Baseco Compound, sa Port Area.

Napag-alaman na nakaupo ang biktima sa sidewalk nang mapadaan ang suspek at sa di pa batid na kadahilanan ay bigla na lamang itong bumunot ng baril at pinaputukan sa ulo ang biktima.


Iniimbestigahan ang motibo ng krimen at ang pagkakilanlan ng suspek.


Tags: Manila Police District-homicide section

You May Also Like