Namatay noon din ang isang 59- anyos na tricycle driver matapos na barilin sa batok habang naghihintay ng pasahero,kamakalawa ng madaling araw sa Tondo, Maynila.
Ang biktima ay kinilalang si Noel Merano, ng No. 620 Bukid St.Tondo,Maynila.
Sa imbestigasyon ni PSSg Irene Jay Manalili ng Manila Police District -homicide section,naganap ang insidente alas- 2:30 ng madaling araw sa Rodriguez corner Nepa Streets sa .Balut,Tondo, aynila .
Naghihintay umano ng pasahero ang biktimà nang lapitan ng isa sa dalawang suspek na nakasuot ng kulay asul na sumbrero at dilaw na t shirt at saka tatlong beses na binaril ang biktima sa batok at kaliwang tenga.
Nang matiyak na napuruhan,mabilis na naglakad ang suspek papunta sa kanyang kasama na naghihintay sa kanya sakay ng motorsiklo at dumiretso sila sa direksiyon ng Gagalangin,Tondo.
Patuloy namang inaalam ng pulisya ang motibo ng krimen at pagkakilanlan ng suspek. (Philip Reyes)














