BUMUO na si Pangulong Rodrigo Duterte ng isang komite na mangangasiwa sa transisyon ng kapangyarihan sa susunod na administrasyon.
Ang komite ay nilikha,dalawang buwan bago ang pormal na paglilipat ng poder sa magiging susunod na Pangulo.
“The Office of the President created a transition committee chaired by Executive Secretary Salvador Bingbong Medialdea to prepare and implement the Office of the President’s transition plans,” ayon kay acting presidential spokesperson Martin Andanar .
Gayunman, sinabi Andanar wala pa siyang impormasyon kung sino ang mga magiging miyembro ng komite.
Ang termino ng administrasyon ni Duterte ay magtataposnsa Hunyo 30,matapos na makapaghalal ng bagong Presidente sa Mayo 9. (Anthony Quindoy)